Jake Ejercito's INTERVIEW About Andi Eigenmann, Jaclyn Jose

Jake Ejercito INTERVIEW about Andi Eigenmann Jaclyn Jose
Jake Ejercito spoke up about the recent issue involving his parents, former President Joseph "Erap" Estrada and former actress Laarni Enriquez, his relationship with actress Andi Eigenmann and her mother Jaclyn Jose.

Here's Jake Ejercito's INTERVIEW on PEP:

On Jaclyn Jose's interview:
"Sinabi naman yata ni Andi sa interview niya na pati siya, nagulat. Ako, the exact same reaction. Nagulat din ako—very surprised. Kasi, yung statements niya [Jaclyn], yung insinuations were unwarranted. Wala naman siyang sinabi blatantly, pero parang na-put yung parents ko in a bad light. So, yun yung parang… I respect Tita Jane very much. But then, parang nagulat lang ako at, siyempre, sumama na rin yung loob ko dahil, yun nga, medyo napasama yung parents ko."

On Andi's apology:
"Kasi, after Tita Jane’s interview naman, magkausap kami [ni Andi]. Tapos, kami pareho, parang we were both shocked. Sabi niya, hindi niya alam kung ano’ng gagawin niya. Parang gusto niyang mag-sorry sa mom ko, pero walang way, ganyan-ganyan. I think she tried to text my mom’s best friend or something. Tapos, gusto niyang makipagkita, pero wala siyang number ng mom ko. Ang sabi naman ng mom ko, ‘Not right now. Maybe someday soon. Pero huwag muna ngayon.’ Kasi, siyempre, fresh pa lahat. Nagulat din mom ko, kasi ang tahimik, e. Ang tahi-tahimik na ng lahat, biglang may ganito."

On Jake's parents' reaction to the issue:
"Well, napanood naman natin yung reaction ng dad ko [sa interview nito sa TV Patrol]. Totoo yung sinabi niya na, both my parents, never nila akong pinagbawalan kay Andi. Yun lang, nung nabuntis si Andi, they just told me to be careful, to watch out, to look after myself lang. But not necessarily bawal na, ‘Itigil n’yo na ‘yan!’ Walang gano’n. Kasi, kung ganun man, matagal nang wala ‘to, e. Matagal nang natapos sana."


Read the full interview: Part 1, Part 2

Jake Ejercito's INTERVIEW About Andi Eigenmann, Jaclyn Jose